Family

Exchanging Diamonds Into Bread

Sharing the Joy in Giving

Nung minsan na nagpapasalamat ako sa Panginoon, biglang lumundag yung heart ko sa excitement nung pumasok sa mind ko yung idea na puwede kong gawin ulit yung katulad ng ginagawa ko nuong tinatawag pa lang akong baby Christian.

Before, kahit gusto kong umidlip sa hapon, kapag pinaalala sa’kin ng Panginoon yung mga nadaanan kong street children, pinupuntahan ko sila at pinapakain kahit nag-iisa lang ako. Gusto ko i-revive ang project na ito and at the same time, maging “bonding time” din namin ito ng mga anak ko.

When I shared this to my 2 daughters, they were so thrilled. Sabi ko sa kanila, kahit nasa car lang kami, puwede kaming umikot para maghanap ng mga nangangailangan ng food sa kalye, o saan mang lugar kami ituro ng Lord.

Excited ako dito kahit mayroon na kaming Joseph Feeding Mission kase, nanunumbalik sa’kin yung memories, yung kakaibang joy, yung ka-simplehan nung personal kong ginagawa noon. Isa pa, mas masaya ngayon kase, makakasama ko na ang mga anak ko na noon ay maliliit pa.

Tulad ng dati, ang palaging desire ng heart kong ipamigay ay yung mga pagkain na hindi nabibili ng isang basurero o pulubi. Naisip ko, “Ano kaya? Apple at orange plus ilang pirasong grapes tulad ng ginagawa ko before or groceries?”  Kaya lang kung groceries, ano-ano ang item? Ang dami ko kaseng gustong ipamigay kaya lang kino-consider ko rin ang budget ko. Ang totoo sobrang daming “combo pack” ang naisip ko pero parang hindi maka-connect sa heart ko.

Finally nung nag-set na ako ng date sa first outreach namin, habang nandoon ako sa extension ng room ko, ang liwanag nung narinig ko sa Lord. “Give bread”. Ganon ka-simple, pero sobrang saya ko. Why? Ito yung mabilis na pumasok sa isip ko.

Symbolic ang bread. Si Jesus ang Bread of Life.

Sino ba ang hindi na-a-attract sa bread? Sino ba ang hindi naghahanap ng bread? Bakit kapag tumaas ang price ng flour, malaki na itong usapan sa mga news? Ibig sabihin ganito ito ka-importante. Bakit ang bread, hindi naman talaga nakakasakal ang halaga pero, iniinda ng mahihirap kahit ilang sentimos lang ang tinataas sa presyo? Ibig sabihin ganito ito ka-importante. Isa pa, naisip ko … ang bread madaling ipamigay at napakaraming klase na mapagpipilian.

Exchange Diamonds To Bread

Kahit excited na ako sa bread, nagtanong pa rin ako sa Lord. “Tama ba yung narinig kong bread?” Pagpasok ko sa pinaka-room ko, pagtingin ko sa isang tv program, may ini-interview na survivor ng Holocust. Pinapakita nya yung necklace ng mother niya na may mga diamonds. That time daw nung Holocaust, ang bilin ng mother niya, kung kailangang-kailangan nila ang bread, puwede nilang ipagpalit yung diamonds sa bread. That time pala mas mahal ang bread kaysa sa diamond.

Habang naririnig ko ito, kahit walang tigil yung luha ko, hindi ako makakurap sa naririnig ko. Imagine, Holocaust ang pinag-uusapan pero pinalabas yung kahalagahan ng bread. Bigla ring pumasok sa mind ko na ito ang gusto ng Panginoon na ipangalan ko sa project na ito. “Exchanging Your Diamonds Into Bread” or simply “Diamonds to Bread”

October 15, 2011: Our First Outreach and Bonding Time

Pinili ko ang date na ito Saturday, kase gusto kong maisama ang aking panganay na apong si Justin and my youngest daughter Jam

  • Gusto ko kasing mag-plant sa heart nila ng seed kung paano magmahal sa kapwa.
  • Gusto ko ring mag-mark sa mind nila ang experience itself, the unspeakable joy in loving and caring for others na alam kong dadalhin nila ang kwento hanggang sa pagtanda nila.

Packing the Bread, Water and Gospel Tracts

God was so Amazing! In-allow ng Panginoon na ang mga taong una naming naabutan ay yung mga sidewalk vendors sa loob ng Araneta Shopping Center. Habang lumalabas kami ng center, lalo akong na-bless kasi pinaalala sa’kin ng Panginoon na dito sa Araneta Center nagsimula ang marami naming outreaches at mismomg Church namin.
Ang totoo, busy street ito at marami kaming kasunod na sasakyan, pero kahit isa walang bumusina sa’min nung huminto kami sa may corner bago kami mag-right turn. Naniniwala ako na ang magandang gawain ay palaging nakaka bless sa mga tao kaya ang puso nila ay nagiging maunawain at mapagbigay.

Searching For Hungry Souls

Paglabas na paglabas namin ng Araneta Center,  bigla kaming tumahimik. Since umaandar ang aming sasakyan, iisa lang pala ang heartbeat at hinahanap ng mga mata namin.  Nalaman namin ito noong sabay- sabay kaming nag-sabing … “Ayun, ayun!!!”  Lahat pala kami busy ang mata na naghahanap ng pulubi habang umaandar ang aming sasakyan. Kaya sabay -sabay kaming nag-tawanan! :) Sabi ko nga parang yung pag  “Ayun- ayun!!!” namin, ang nakikita namin ay mga ginto- mga diamonds sa daan. Kase, lahat ng attention namin ay nasa paghahanap ng matutulungan.

Kapag  malayo pa natatanaw namin…  sabay-sabay ulit “Ayun, ayun!!!”

Ang isa pang naka-caught ng attention namin ay ang isang matanda na pahiga na sana at winawalis ng kanyang bare hands ang sidewalk na walang sapin.

Since malayo siya sa road, sabi ko kay Justin bumaba na lang sya at sabihin na si Jesus ang nagpapabigay nung bread, water at Gospel tracts. At sabihin niya na love sya ni Jesus. Nung magpapaalam na sya, paulit-ulit daw syang tinanong nung matanda. “Sino ba talaga ang nagbigay? Si Mayor ba?” Parang ayaw daw siyang paalisin hanggang hindi nya sinasabi kung sino yung nagpabigay. Paulit-ulit namang sinagot ni Justin na  ”Si God po.”

Naniniwala ako na gustong malaman nung matanda kung sino ang nagbigay sapagkat masarap makilala at maka-connect sa mga taong nagmamalasakit sa katulad nya. Paalala rin ito sa lahat na bawat isa sa atin ay mayroong magagawa, especially ang mga nasa pamahalaan.

Jesus Reigns

God always got something in mind to encourage us. Nung pauwi na kami, pag-turn namin sa isang street ito ang bumungad sa’min.


Parang sinasabi ng Holy Spirit, … nagagawa ninyo iyan sapagkat nag-hahari sa puso ninyo si Jesus. What a way to end the day! Glory, glory to God Almighty!

Jesus said, “For I was hungry and you gave me something to eat, I was thirsty and you gave me something to drink. Truly I tell you, whatever you did for one of the least of these brothers and sisters of mine, you did for me.”
Matthew 25:35,40

I Wish We Could Do More

Pag-uwi ko ng bahay, nag-linger sa mind ko yung matanda at yung ilang pamilya na nasa dalawang kariton sa gitna ng bridge. Na-bother ako nung naisip ko na… “Paano kung biglang umulan ng malakas? Ang mga nasa paligid ay matataas at mga saradong commercial building? Bago pa sila makapaghanap o makakatakbo sa masisilungan nila, basa na sila, basa na yung maliliit na babies. Napa-buntunghininga na lang ako at nasabing,  “I wish I could give and do more.”

Naalala ko, nung baby Christian pa lang ako, nagkaroon ng time na gusto kong mag-rent ng kahit apartment lang para sa mga street children.  Alam ko, hanggang hindi nawawala ang burden na ito sa heart ko, tutulungan ako ng Panginoon sa mga minimithi.

Make Use of What You Have

Ang isang turo sa akin ng Lord ever since na talagang sinusunod ko ay “make use of what you have.”  Yung hindi ang kakulangan at kawalan natin ang magiging dahilan para di tayo kumilos sa pinapagawa ng Panginoon. Kaya habang inaantay ko ang sagot sa maraming prayers ko pa (like a home for street children), nagsimula na akong kumilos by faith, through our ministry’s Joseph Feeding Mission.

Last week, nagpunta ang ating team sa “Bahay Aruga” kung saan nag-share tayo ng Word of God at nagpakain tayo sa mga bata sa lugar na ito. Sobra rin akong natuwa kase ang apo kong si Justin ay kasama sa mga nag-serve at nag-pray para sa mga batang inaalagaan dito.

Kaya I deeply encourage parents, grandparents, titos and titas na i-involve ninyo ang mga youth sa paggawa ng mabuti habang bata pa sila. Just like sa bread na shinare namin, di kailangan ng malaking halaga para maka-reach out sa ating kapwa. I assure you na hanggang sa paglaki nila, di nila ito malilimutan.

Train up a child in the way he should go;
even when he is old he will not depart from it.
Proverbs 22:6