Ministry

Malacanang Glorious Experience

For more than 10 years, pinagpe-pray ako ng aking mga kasamahan sa church para makapag-share ng Word sa Malacanang Palace. Ang totoo, hindi ko ito pinagpe-pray.
Matagal na hindi namin ito napag-uusapan, pero, isang umaga, nagulat na lang ako nung may nag-inform sa’kin na ini-invite ako to speak  sa National Convention of Government Employees, 66th Anniversary of Philippine Government Employees Association (PGEA) sa Mabini Hall, Malacanang Palace.

Pagkarinig ko pa lang “ng invitation to speak”  at sa  “Malacanang Palace” sobra na akong overwhelmed. Sabi ko, … “Iba na ito. Ito na ba Lord?”

Na-realize ko kasi, hindi lahat ay nabibigyan ng opportunity para maghayag ng Word sa Malacanang Palace.  Isa pa, bakit ang occassion ay sakop yung mga employees and officers ng iba’t-ibang sangay ng government natin mula sa Luzon, Vizayas, and Mindanao.

Alam ko, hindi ito para magalak lang ako at ang mga nag-pray sa’kin; but I believe, God has a specific plan for this. Naniniwala ako na mayroong magandang inihahanda ang Panginoon para sa ating bansa kahit marami tayong pinagdadaanan ngayon.

The message was very timely, … God-breathed.

The Lesson

Sa na-experience ko sa Malacanang; napakarami kong natutunan na siguro, madalas kong maise-share sapagkat itinuturing ko itong hindi basta-basta kilos ng Diyos sa aking buhay. Sa bawat kilos ng Diyos malaki man o hindi, alam ko  mayroon Siyang gustong ipakita at gustong gawin.

Mga na-realize ko …

Totoo na sumasagot ang Diyos sa panalangin.
Totoo na any moment, or suddenly, puwedeng magparamdam at tumawag ang Panginoon kaninuman.
Totoo na kahit sa tingin natin, ordinaryo lang tayong tao, ang Diyos ay hindi.
Totoo na kahit tayo mahina, palalakasin tayo ng Diyos.
Totoo na yung mga hindi natin kayang gawin, Siya ang mag-e-empower sa’tin.
Totoo na ang pag-samba sa Diyos sa tuwina ay mag-dadala sa’tin sa gusto Niyang marating natin.

Excited po akong i-share sa inyo ang ilang pictures sa kakaibang na-experience ko bago nagtapos ang year 2011.

 

National Convention of Government Employees

“Kawani ng Gobyerno: Kaakibat sa Pagbabago”
Mabini Hall, Malacanang Palace
December 8, 2011

 

Ms. Esperanza S. Ocampo
National President,  Philippine Government Employees Association (PGEA)

Donald Boo
National Tax Research Center / Department of Finance

Hon. Ernesto Herrera
Trade Union Congress of The Philippines

 

Bro. Rolando Dizon, FSC
Chairman, Good Citizenship Movement

“Every minute was glorious”


Free DVDs

Binigyan ako ng Panginoon ng burden to equip the delegates ng information about the endtime kaya, namigay kami ng free DVDs ng aking documentary na “The Final Hour of Power” sa lahat ng nandoon. I believe this is a great opportunity to minister to them dahil ang mga delegates ay mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

 

With the delegates of the PGEA Convention

 Glory to God!

A Short Video of the Event